HILDESHEIM, Germany, Sept. 29, 2023Sa pangako nitong laging maghahatid ng mga inobatibo at naka-customize na solusyon batay sa pangangailangan ng mga customer, kamakailan ay tinanggap ng Tranter ang isang order na binubuo ng tatlong (3) mga welded heat exchanger na NovusBloc® sa stainless steel na iinstala sa isang Waste-to-energy combined heat and power (CHP) plant sa Stockholm, Sweden.

Ang CHP plant kung saan iinstala ang mga heat exchanger na NovusBloc® ay orihinal na itinayo upang makagawa ng init at kuryente mula sa mga fossil fuel at ngayon ay ibabago upang magamit ang biofuel kung saan mahalaga ang papel ng mga heat exchanger. Pinapayagan ng pagbabago ng planta patungong biofuel ang Stockholm city na suportahan ang layunin nitong maging malaya sa fossil fuel pagsapit ng 2030.

Ang mga heat exchanger na NovusBloc® ay ginawa sa South Korea at inaprubahan alinsunod sa PED na may CE-marking para sa paggamit sa Europe. Ang pasilidad ng Tranter sa Vänersborg, Sweden, ang naghandle ng pagpapatupad ng proyekto at matagumpay na nagdeliver ng mga heat exchanger na NovusBloc® sa planta sa Stockholm ayon sa plano.

“Sa customer na nakabase sa Germany, para sa isang upgrade project sa Stockholm, Sweden, ang aming koordinasyon sa pagitan ng aming mga sales team sa Germany at Sweden ay tumugon sa mga alalahanin ng customer tungkol sa pagkakaroon ng mga produktong ginawa sa South Korea, malayo sa customer at site. Ang aming koordinasyong gawain bilang tunay na global na supplier ng mga plate heat exchanger ang naging pagkakaiba upang mapagaan ang loob ng customer sa iskedyul ng proyekto. Ang aming kakayahang magtrabaho sa iba’t ibang kontinente nang madali at ang dalawang panig na accessibility feature ng NovusBloc® ang nagbigay ng panalo para sa Tranter sa proyektong ito.” sabi ni Thomas Cassirer, Director EPC at Global Energy. 

Gagamitin ang mga heat exchanger na NovusBloc® bilang mga condenser at heat recovery para sa kinakailangang upgrade ng boiler para sa modipikasyon ng Waste-to-energy combined heat and power (CHP) plant. 

Patuloy ni Thomas Cassirer: “Mayroon kaming ilang mga produkto na babagay sa partikular na application na ito, ngunit ang NovusBloc® ang produktong tumugon nang husto sa mga pangangailangan ng customer, na may maaasahang disenyong walang gasket para sa mataas na temperatura ng operasyon kasama ang buong accessibility sa parehong mainit at malamig na panig. Ang nakapagpagaan din ng proyektong ito ay ang aming pagtulong sa plano na lumikha ng isang mas sustainable na mundo.”

Ang sales team ng Tranter sa Germany, kasama si Sesto Colella, Senior Sales manager Energy, ay nakatutok sa mga emerging technologies sa loob ng energy segment at siya ang responsableng sales manager para sa proyektong ito. Nakikita niya ang tumataas na pangangailangan para sa compact, maaasahan, at efficient na mga heat exchanger sa kasalukuyang energy transition market sa Europe.    

CONTACT:
Madeleine Sestan Bach

Global Marketing Manager
madeleine.sestanbach@tranter.com 

Ang mga sumusunod na file ay available para i-download:
https://news.cision.com/tranter-international-ab/i/with-outstanding-global-fortum,c3220617 With outstanding global-Fortum